Tuesday, September 1, 2009

Maricar Reyes dahilan ng Luis Manzano Angel Locsin break-up?


Pinutakti ng tanong si Luis Manzano sa prescon ng In My Life ng Star Cine-ma tungkol sa napabalitang break-up nila ni Angel Locsin.

Ayaw sagutin ni Luis nang diretso ang tanong ng lahat kung break na ba sila ni Angel o hindi.

Mas gugustuhin na lang daw niyang pag-usapan ang movie nila ng kanyang mom, na si Vilma Santos.

Kesyo right from the start naman daw ay hindi nila nire-reveal sa press ang relasyon nila ni Angel kaya gusto lang nilang i-maintain ang pagiging tahimik nila at pribado hanggang sa huling sandali.

Pero siyempre, ayaw pumayag ang press na manahimik na lang si Luis sa issue lalo pa’t ang lumalabas ay siya ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Angel.

Kesyo may third party raw na involved at ang pa-ngalan ni Maricar Reyes ang lumalabas na pampagulo.

“Walang third party na involved mula pa noong una hanggang ngayon. Magka-kilala kami ni Maricar but we’re not close. Siya supposed to be ang leadig lady ko noon sa Flash Bomba, hanggang doon lang ang connect namin ni Maricar. Puro speculations lang ang mga ito,” depensa ni Luis.

Sinagot din niya ang isyu tungkol sa pagtatampo raw ng Vilmanians kay Angel nang pinuri nito si Nora Aunor sa Himala at nagkaroon pa ng mga haka-haka na gagawin niya ang remake ng pelikula.

“Angel was only speaking the truth nang sabihin niya na magaling na artista si Nora Aunor. Hindi ibig sabihin na porke’t pinuri niya si Nora ay she’s disrespecting ng my mom already. Walang ganoon,” tugon ni Luis.

Pati ang hindi pagsipot ni Angel sa TV special ni Ate Vi ay nilagyan din ng malisya.

Kesyo nasaktan daw nang husto ang aktres sa paghihiwalay nila kaya hindi na nito nagawang magpakita sa taping ng TV special ng mom niya.

“The trouble with people ay pinangungunahan na kagad ang kanilang prejudices. Angel certainly has her reasons for not going to the TV special. But one things is for sure, wala itong kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa amin. Angel is very professional naman pagdating sa trabaho,” pagtatanggol pa ni Luis.

Sa Sept. 16 ang showing ng In My Life at isang big revelation si Luis dito pagdating sa pag-portray niya bilang isang gay son na may sakit.

Mismong si Ate Vi ay puring-puri sa pinamalas na acting ng anak sa pelikula.

At hamak na mas maga-ling pa raw siya sa daddy niya na si Edu Manzano!

No comments:

Post a Comment

 
Pinoy Hub - Blogged